Friday, October 31, 2008

sulat ni tatay at nanay...

I received this email from my friend. I want to share this to all the parents and to all the daughters and sons. And also to all the caregivers who are spending their time in taking care of someone who are not even related to them. I hope we all realize that we are growing old not growing young. Enjoy reading...


Mahal Kong Anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan.

Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing
sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang
sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng
"binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o
pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong
nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit
at paulit-ulit na parang sirang plaka.

Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?kapag gusto mo ng
lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda,
amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na
ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag
mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan
mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo
na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong
hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong
pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol
sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa
higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling
sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo
sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na
harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na
lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Bigyang halaga sana natin ang ating mga magulang. Sa mga tulad naming caregivers, ganito po ang sitwasyon ng mga inaalagaan naming matatanda. Minsan talagang mauubusan ka ng pasensya sa pag-intindi sa kakulitan nila. Pero kung titingnan natin, sila yung mga matatanda na halos di mabigyan ng oras ng kanilang mga anak kaya kinakailangan nilang kumuha ng mga caregiver. Madalas sa amin sila kumukuha ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang buhay. Yung inaalagaan kong matanda, 91 years old na sya pero umaakyat-baba pa ng hagdan. 22 steps everyday. Habang umaakyat bibilangin nya steps, pag nasa dulo na sya, sasabihin nya, " 22 and I'm still alive" Minsan pa sinabi nya sa akin, " you know, Marianne, I'm 91 years old and I'm pregnant" Hahaha! Bumabalik na sa pagkabata. Mahalin po natin ang ating mga magulang, sa kanilang pagtanda, alalayan natin sila at wag iwanan.

No comments: