Wednesday, January 28, 2009

Mga Pilosopiya sa Pag-ibig ni Bob Ong

Mga tinipong pilosopiya sa pag-ibig ni Bob Ong:

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka ng magpakita ng motibo para mahalin ka niya..."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na di mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag kang hahawak kung alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sa iyo. Eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin."

6. "Kung maghihintay ka lang ng lalandi sa iyo, walang mangyayari sa buhay mo...dapat lumandi ka rin..."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sa iyo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na rin sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo, wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na mahal ka pero di mo mahal...kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba, kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap mo sa telepono, kasama mo sa mga lakad o ka-text ng wantusawa, eh may gusto sa iyo at kayo na ang magkakatuluyan. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalake. Tatlo, lima sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng maganda. Totoong mas maganda ang kalooban ng tao higit sa anupaman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan, nagmumukha ding pandesal...maniwala ka..."

13. "Minsan, kahit ikaw ang naka-schedule, kailangan mo pa ring maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap mo uli ang taong tinalikuran mo."

16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay, kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin at kasinungalingan."

18. "Kung nagmahal ka ng isang taong hindi dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na komukontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organ mo ang mga sama ng loob sa buhay mo. Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sa buhay mo...kundi...ikaw mismo!"

19. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at pag nahulog ka, it's either by accident o talagang tanga ka...TOINK!"

No comments: