Thursday, April 30, 2009

trapo...

I was listening to my mp3 this morning, a song with a title TRAPO from YANO caught my attention.It's all about the wrong doings of the politicians in the Philippines. Isa ito sa mga favorite songs namin nung highschool. Kung iisa-isahin ko ang lyrics ng song, trapo ang tawag sa pulitiko na nagpapasasa sa buwis nating mga kawawang mamamayan. Hanggang ngayon, trapo pa rin sila. Asan na ang mga ipinangako nila noong eleksyon? Hanggang ngayon nakapako pa rin. Labor day po ngayon, araw ng mga manggagawa, araw nating lahat. Pero dahil sa economy crisis, marami ang walang trabaho. Pero ang mga trapo, di pa ginagamit ng tama ang mga buwis natin. Sa susunod na taon, eleksyon na naman po. Ano na naman kayang mga pangako ang aming maririnig? Mga kabayan, piliin po nating mabuti ang ating kandidato. Sabi nga sa kanta: " di na binoboto, pero nananalo" alam nyo na ang ibig sabihin nun. Palitan na natin ang mga trapo sa gobyerno. Tayo rin po, wag sana tayong maging trapo sa ating mga kapwa.

No comments: